P380-M aide ng EU sa Pilipinas, tinanggihan ng Pilipinas

By Rohanisa Abbas January 25, 2018 - 12:09 AM

 

Pormal nang tinanggihan ng Pilipinas ang hindi bababa sa 380-milyong pisong ayuda ng European Union (EU).

Kinumpirma ito ni EU Ambassador to the Philippines Ambassador Franz Jessen.

Ipinaliwanag ni Jessen na kinakailangang lagdaan ng Pilipinas ang dokumento ng EU-Philippine Trade Related Technical Assistance (TRTA) sa katapusan ng 2017, pero ibinalik ito sa EU nang walang pirma.

Ang naturang TRTA na hindi tinanggap ng Pilipinas ay nagkakahalagang 6.1 million euros.

Sinabi rin Jessen na nakaamba rin tanggihan ng bansa ang 40 million euros o 2.4 billion-peso aid para sa renewable energy projects. Gagamitin sana ito para sa pagtatayo ng solar power plants sa Mindanao.

Ipinahayag naman ng opisyal na iginagalang ng EU ang desisyon ng bansa.

Magugunitang ilang beses nang tinuligsa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang EU dahil sa paglalatag umano ng kondisyon sa mga ayuda nito, gaya ng paglalagay ng human rights regulations.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.