UST law dean at mga kasapi ng Aegis Juris gustong ipa-disbar ng Senado

By Ruel Perez January 24, 2018 - 05:16 PM

Radyo Inquirer

Inirekomenda ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang pag-disbar kay University of Santo Tomas (UST) Civil Law Dean Nilo Divina at 18 iba pang isinasangkot sa pagkamatay ni Horacio Atio Castillo III

Sa inilabas na committee report, dapat umanong ma- disbar sa practice of law si Dean Divina gayundin ang 18 iba pang Aegis Juris members.

Kabilang sa mga inirekomenda para sa disbarment sina Atty. Marvi Abo, Alston Kevin Anarna, Edzel Bert Canlas, Cecilio Jimeno, Ferdinand Rogelio, Eric Fuentes Cesar at Ocampo Ona.

Kasama rin sa listahan sina Atty. Gaile Caraan, Henry Pablo Jr. Jet de la Peña Villaroman, Cesar dela Fuente, Niño Servañez, Manuel Angelo Ventura, Michael Vito, Arthur Capili, Irvin Joseph Fabella, Edwin Uy, Allan Christopher Agati at lahat ng miyembro ng Aegis Juris Fraternity na may kinalaman sa pagkamatay ni Atio pero bigo na ipagbigay alam sa otoridad.

Apela pa ni Sen Ping Lacson na siyang Chairman ng Komite sa Korte Suprema na pag-ukulan ng pansin ang disbarment sa mga sangkot sa kaso at madaliin ang pagtanggal sa mga ito sa practice of law dahil na rin sa grabeng ginawa ng mga ito sa pagyurak at pagsira sa legal profession.

Magugunitang ang UST law student na si Atio Castillo ay namatay noong September 16, 2017 makaraan umanong sumailalim sa hazing ng Aegis Juris Fraternity sa kanilang tanggapan sa Maynila.

TAGS: atio castillo, civil law, hazing, Nilo Divina, Senate, UST, atio castillo, civil law, hazing, Nilo Divina, Senate, UST

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.