Mas malalim na imbestigasyon sa katiwalian sa PCSO gagawin ng Senado

By Ruel Perez January 24, 2018 - 02:56 PM

Inquirer file photo

Hindi nabenta kay Sen Ping Lacson ang naging paliwanag ng mga opisyal ng PCSO kaugnay sa umanoy nagaganap na korapsyon at anomalya sa PCSO

Sa ginawang pagdinig ng senate committee on games and amusement na pinangungunagan ni Lacson iginiit nito na may mga paglabag siyang nakikita sa PCSO  base na rin sa mga iprinisinta ng mga resource persons sa katauhan ni PCSO Board of Director Sandra Cam

Kaugnay nito, muling ipagpapatuloy ang pagdinig na itatakda ng komite dahil ayon kay Lacson kinakailangan pa ng mga susunod na hearing upang mahalukay ang usapin ng korapsyon sa PCSO at ang operasyon ng STL o Small Town Lottery

Sa impormasyon nakalap ni Lacson, dapat ay aabot sa P6.05 Billion ang buwanang ang kinikita ng STL sa iba’t ibang lalawigan pero lumalabas na halos ay P1 Billion ang naire-remit ng mga AAC o Authorized Agent Corporations ng STL operations ng PCSO.

Dumalo sa pagdinig ng Senado ang mga matataas na opisyal ng PCSO upang linawin ang isyu sa kurapsyon at paggastos nila ng malaking halaga sa nakaraang Christmas party ng ahensiya.

TAGS: Cam, corruption, pcso, STL, Cam, corruption, pcso, STL

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.