Award na ibinigay ng UST Alumni Association, isinauli na ni Asec. Mocha Uson

By Dona Dominguez-Cargullo January 24, 2018 - 11:42 AM

Dahil inulan ng batikos at naging kontrobersyal, nagpasya si Presidential Communications Office Assistant Sec. Mocha Uson na isauli na lang sa UST Alumni Association Inc. (USTAAI) ang ibinigay sa kaniyang Thomasian Award for Government Service.

Sa kaniyang Twitter at Facebook page, sinabi ni Uson na kahit sinabi ng USTAAI na wala silang balak bawiin ang award ay nagdesisyon na lang siyang ibalik ito.

Staff ni Uson ang nagsauli ng award.

Tila ginagamit pa kasi aniya ang isyu para malihis sa mas mahahalagang usapin gaya ng problema sa Dengvaxia.

Sobra na rin aniya ang pambu-bully na tinanggap ng nagbitiw na presidente ng USTAAI na si Henry Tenedero mula sa ilang Thomasians.

Umaasa si Uson na sa kaniyang pagsasauli ng award ay titigil na ang pagbatikos sa USTAAI.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: government service award, mocha uson, UST Alumni Association, USTAAI, government service award, mocha uson, UST Alumni Association, USTAAI

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.