Biyuda ng yumaong lider ng Maute, naaresto sa Cotabato City

By Angellic Jordan January 24, 2018 - 10:44 AM

Naaresto ng mga otoridad ang biyuda ng isa sa mga Maute group leader na pinangunahan ang Marawi City Siege, Martes ng hapon.

Ayon kay Sr. Supt. James Allan Logan, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group-Autonomous Region in Muslim Mindanao (CIDG-ARMM), nadakip si Najiya Dilangalen Karon-Maute sa kaniyang bahay sa Barangay Rosary Heights 3 sa Cotabato City.

Kabilang si Karon-Maute sa inilabas na arrest order number 2 ni Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana noong June 5, 2017 dahil sa paglabag sa Article 134 o rebelyon.

Ayon naman kay Chief Insp. Allan Uy, tagapagsalita ng CIDG-ARMM, si Karon-Maute ay biyuda ng napatay na Maute leader na si Mohammad Khayyam.

Sa ngayon, dumadaan aniya ang suspek sa tactical interrogation kaugnay sa naging posisyon nito sa rebeldeng grupo.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang suspek ang pamilya nito sa media.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Cotabato City, Mohammad Khayyam Maute, Najiya Dilangalen Karon-Maute, Radyo Inquirer, Cotabato City, Mohammad Khayyam Maute, Najiya Dilangalen Karon-Maute, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.