Ilang barangay sa QC pitong oras na mawawala ng suplay ng tubig
Pitong oras na mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang mga barangay sa Quezon City mula Miyerkules (January 24) ng gabi.
Sa abiso ng Manila Water, magkakaroon ng service interruption sa bahagi ng mga Barangay Old Balara, Pasong Tamo, Culiat, Sauyo at Holy Spirit sa Quezon City simula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 6:00 ng umaga.
Ito ay dahil sa isasagawang pressure tests ng Manila Water.
Kabilang sa mga apektadong lugar ang mga sumusunod:
OLD BALARA:
- Along Luzon Avenue mula Puregold hanggang North Susana
- Commonwealth Avenue
- New Intramuros Village
- Villa Biatriz
- Laura
- North Zuzuareggui
PASONG TAMO
- Freedom
- Major Marcos
- Diego Silang
- Mac Arthur
- Pingkian 1, 2 and 3
- Centerville
- Ferndale
- Ramax
- Doña Petrona
CULIAT
- Luzon Avenue (Market side)
SAUYO
- Along Sauyo Road Sunog Baga
- Camella Homes
- Saturnina compound
HOLY SPIRIT
- Luzon Avenue Samat at Batasan Streets
- Mapayapa Village 1 & 3
Pinayuhan na ng Manila Water ang mga maaapektuhang residente na mag-imbak ng sapat na tubig na maaring magamit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.