Maiipong abo sa itaas ng bulkang Mayon, maaring magdulot ng lahar flow sa tag-ulan – PHIVOLCS

By Dona Dominguez-Cargullo, Mark Gene Makalalad January 24, 2018 - 09:56 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Ikinababahala ng PHIVOLCS ang naiipong abo sa itaas na bahagi ng bulkang Mayon dahil sa patuloy na aktibidad nito.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Albay Phivolcs Resident Volcanologist Ed Laguerta sinabi nito na ang kasalukuyang aktibidad ng bulkan ay magdudulot ng pag-iipon ng abo sa itaas na bahagi nito at pagsapit ng panahon ng tag-ulan ay maari itong mag-generate ng lahar flow.

Ibig sabihin sinabi ni Laguerta, maaring problemahin muli ng mga residente at mga otoridad sa Albay ang bulkan sa panahon ng tag-ulan.

“Magkakaroon ng accumulation ng abo sa mataas na bahagi ng bulkan at pagdating ng tag-ulan mag ge-generate ng lahar flow yan. Pagdating ng tag-ulan threat pa din ang lahar flow,” sinabi ni Laguerta sa Radyo Inquirer.

Sa ngayon ayon kay Laguerta, hindi pa rin inaalis ng PHIVOLCS ang posibilidad na magkaroon pa ng malakas na pagsabog ang bulkan pero pwede rin namang manatili na ito sa kasalukuyang aktibidad nito.

Halos twing ikalimang oras ay nakapagtatala ng lava fountaining sa bulkang Mayon, pero hindi pa ito sapat ayon sa PHIVOLCS para magtaas ng alert level 5.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Albay, mayon volcano, Mt Mayon, Radyo Inquirer, Albay, mayon volcano, Mt Mayon, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.