Hindi bababa sa 30 ang patay sa dalawang insidente ng car bombing sa Libya
Patay ang aabot sa 33 katao habang sugatan ang 50 iba pa makaraang maganap ang magkasunod na car bombing sa Libya.
Ang unang pagsabog ay naganap sa labas ng isang mosque sa eastern city na Benghazi sa central Al Salmani district habang palabas ang mga worshippers matapos dumalo sa evening prayers.
Makalipas ang 10 hanggang 15 minuto nang dumating na sa lugar ang mga security at health officials ay naganap ang ikalawa at mas malakas pang pagsabog.
Sumabog umano ang isang Mercedes na nakaparada sa kabilang bahagi ng kalsada at isang ambulansya ang tinamaan ng pagsabog.
Mas marami umano ang nasawi sa ikalawang pagsabog kumpara sa nauna na kinabibilangan ng mga military personnel at mga sibilyan.
Kasama sa nasasawi si Ahmed al-Feitouri ng investigation and arrest unit ng Libyan security forces habang nasugatan ang isa pang intelligence official na si Mahdi al-Fellah.
Wala pang grupong umaako sa insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.