WATCH: 2 patay sa pamamaril sa QC at Taguig; 1 rider patay sa aksidente sa Marikina

By Jong Manlapaz January 24, 2018 - 08:30 AM

Kuha ni Jong Manlapaz

Dalawang insidente ng pamamaril kung saan dalawa ang nasawi ang naitala sa magkahiwalay na lugar sa Metro Manila sa nakalipas na magdamag.

Sa Quezon City, isang negosyante ang nasawi makaraang pagbabarilin sa harapan ng pagmamay-ari niyang junk shop.

Patay naman na ng matagpuan ang isang lalaki sa Barangay Western Bicutan sa Taguig City.

Balot ng duct tape ang mukha ng lalaki at may tali ang kamay.

Samantala, sa Marikina City, patay ang isang motorcycle rider makaraang pumailalim sa isang papalikong truck sa Barangay Concepcion.

Narito ang ulat ni Jong Manlapaz:

 

 

 

 

 

 

TAGS: crime, quezon city, Shooting Incident, summary execution, Taguig City, crime, quezon city, Shooting Incident, summary execution, Taguig City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.