WATCH: Lava fountaining, muling naitala sa bulkang Mayon ngayong umaga

By Mark Gene Makalalad January 24, 2018 - 06:34 AM

Kuha ni Mark Makalalad

(BREAKING) Muling nakapagtala ng lava fountaining sa bulkang Mayon, Miyerkules (Jan. 24) ng umaga.

Naitala ang muling pagbubuga ng ash column ng bulkan ilang minuto bago mag alas 6:00 ng umaga.

Mataas at makapal ang ibinugang ash plume ng bulkan.

Ayon naman sa PHIVOLCS, hindi gaanong delikado ang pagbubuga ng lava ng Mayon ngayong umaga dahil mabagal ang daloy nito.

Nananatili pa rin sa alert level 4 ang bulkan.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Ash Plume, Lava Fountaining, Mt Mayon, Radyo Inquirer, Ash Plume, Lava Fountaining, Mt Mayon, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.