Pasok sa ilang lugar sa Albay at Camarines Sur, nananatiling suspendido
Suspendido pa rin ang pasok sa ilang bayan sa lalawigan ng Albay at Camarines Sur ngayong araw dahil sa patuloy na pag-aalburuto ng bulkang Mayon.
Bagaman binawi na ni Albay Governor Al Francis Bichara ang inisyung advisory para sa suspensyon ng klase at pasok sa trabaho sa mga lugar na apektado ng pag-aalburuto ng bulkan ay ipinaubaya naman nito sa mga lokal na pamahalaan ang pagdedeklara ng suspensyon.
Narito ang mga lugar na nananatiling walang pasok ngayong araw ng Miyerkules, January 24, 2018:
ALBAY
- Camalig (all levels)
- Guinobatan (all levels)
- Daraga (all levels)
- Legazpi City (all levels)
Samantala, sa Camarines Sur, suspendido pa rin ang klase sa lahat ng antas sa mga bayan na sakop ng ikalimang distrito.
Kabilang dito ang mga sumusunod na bayan:
- Bula
- Bato
- Balatan
- Baao
- Buhi
- Nabua
- Iriga City
Pinayuhan ang mga residenteng apektado ng ash fall na manatili sa indoor at kung hindi maiiwasang lumabas ay magsuot ng face masks o gumamit ng basang tela.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.