Piso, bagsak uli sa P51.00-level kontra dolyar

By Jay Dones January 24, 2018 - 03:37 AM

 

Makalipas ang dalawang buwan, balik nang muli sa P51-level ang halaga ng piso kontra dolyar.

Sa pagsasara ng Philippine Dealing System kahapon, naitala ang 51.10 na palit ng piso bawat isang dolyar.

Ito’y mas mababa ng 26.5 centavos sa pagsasa ng merkado noong Lunes na pumalo sa 50.835 pesos kada dolyar.

Huling naitala ang pinakamababang antas ng palitan ng piso kontra dolyar noong November 14, 2017 nang pumalo ang exchange rate sa halagang P51.18 pesos per dollar.

Paniwala ng mga eksperto, hindi nagkaroon ng malaking epekto sa halaga ng piso ang naging pag-angat ng ekonomiya sa 4th quarter ng taong 2017 kaya’t bumaba muli ang halaga ng piso sa kasalukuyan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.