Pekeng pulis, arestado sa Las Piñas

 

Arestado ang lalaking nagpanggap na pulis sa Las Piñas City.

Bilang bahagi ng Oplan Sita, pinara ng mga pulis si Archimedes Martinez, 46 taong gulang, na nakasakay sa motorsiklo.

Ayon kay SPO1 Gilbert Cuzara, hindi nakasuot ng helmet si Martinez, at sa halip, police field cap ang suot nito.

Nang sitahin si Martinez, nagpakilala siya bilang isang police officer ng Philippine National Police Academy Class of 1996.

Sinabi ni Curaza na nagpakita pa si Martinez ng PNP ID, at lisensya ng baril.

Sinabi pa umano nito na myembro siya ng Highway Patrol Group at itinuro ang sticker ng kanyang motorsiklo na walang plaka.

Nang inspeksyunin ang kanyang bag, nakita ng mga pulis ang isang 9-mm Luger Uzi submachine gun.

Gayunman, bigo si Martinez na maipakita ang lisensya nito.

Dinala sa istasyon ng pulisya si Martinez at dito na umamin na isa siyang utility man at hindi pulis.

Inamin din ng suspek na pineke niya ang kanyang identification cards na ipinagawa sa Recto, Manila.

Ayon kay Curaza, una nang namataan ng isa pang pulis si Martinez na nakasuot ng Type C police uniform na nagmomotorsiklo nang walang suot na helmet.

Idenitine si Martinez dahil sa paglabag sa batas trapiko at illegal possession of firearms and ammunition at usurpation of authority.

Read more...