Ang kaso ay may kinalaman sa diumanoy paglalagay ni Nuñez noong 2016 sa isang Joan Grace Cadalzo sa bakanteng posisyon ng Barangay Kagawad sa Barangay Poblacion kahit na may Barangay Resolution na noong July 20, 2016 na nagrerekomenda sa isang Aldrin Castro para punan ang nasabing posisyon.
Ang nasabing posisyon ay nabakante matapos na umakyat bilang barangay chairman ang isa sa barangay kagawad nang mahalal na municipal councilor ang dating punong barangay sa nakaraang 2016 elections.
Base sa desisyon Ombudsman, ang ginawa ni nunez ay labag sa Section 45 ng Republic Act No. 7160 (Local Government Code).
Ayon sa Ombudsman, malinaw sa RA 7160 na ang kapangyarihan para mag-appoint ng barangay kagawad ay base dapat sa rekomendasyon ng Sangguniang Barangay.