Mayor ng Cateel, Davao Oriental, pinasusupinde ng Ombudsman

By Alvin Barcelona January 24, 2018 - 12:05 AM

 

Ipinag-utos na ng Office of the Ombudsman ang isang buwang suspensyon ni Cateel, Davao Oriental Mayor Erlinda Nuñez matapos na mapatunayan guilty sa kasong simple misconduct.

Ang kaso ay may kinalaman sa diumanoy paglalagay ni Nuñez noong 2016 sa isang Joan Grace Cadalzo sa bakanteng posisyon ng Barangay Kagawad sa Barangay Poblacion kahit na may Barangay Resolution na noong July 20, 2016 na nagrerekomenda sa isang Aldrin Castro para punan ang nasabing posisyon.

Ang nasabing posisyon ay nabakante matapos na umakyat bilang barangay chairman ang isa sa barangay kagawad nang mahalal na municipal councilor ang dating punong barangay sa nakaraang 2016 elections.

Base sa desisyon Ombudsman, ang ginawa ni nunez ay labag sa Section 45 ng Republic Act No. 7160 (Local Government Code).

Ayon sa Ombudsman, malinaw sa RA 7160 na ang kapangyarihan para mag-appoint ng barangay kagawad ay base dapat sa rekomendasyon ng Sangguniang Barangay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.