Negosyante na kakapanalo lang sa bidding, pinatay sa QC

By Jong Manlapaz January 24, 2018 - 12:33 AM

 

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang negosyante sa Visayas Avenue , Brgy. Culiat, Quezon City ngayong gabi.

Ang biktima ay kinilalang si Manuel Wagan alyas Buddy- 46-anyos at may ari ng junkshop kung saan siya walang awang binaril.

Nagtataka ang mga nakakakilala sa biktima kung sino ang papatay dito, gayong napakabuti umano nitong tao.

Nito lamang ang biktima ay nanalo pa sa bidding para sa mga scrap materials.

Lumalabas sa imbestigasyon na may nakausap daw ito na babae bago siya barilin ng hindi pa makilalang suspek

Narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng bala ng baril.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.