2 Pinoy , sumablay sa Diving event sa SEAG

June 11, 2015 - 12:11 PM

28th seag logo
Larawan mula sa Google

Matapos ang maling pagsusuot ng bandila ng Pilipinas ng dalawang Fil-Am sprinter sa ika-28 Southeast Asian Games, isa pang sablay ng mga Pilipinong manlalaro ang viral ngayon sa mga social media sites.

Sa pagkakataong, ito, pinagkakaguluhan ng mga netizens ang video ng dalawang kabataang diver na umani ng score na ‘zero’ matapos pumalpak sa 3-meter Springboard diving event.

Sa video, kita ang pagsablay sa ‘entry’ sa  tubig ng  dalawang diver na sina John David Pahoyo at John Elmerson Fabriga  habang ginagawa ang routine sa naturang event .

Sa halip na mauna ang ulo, una likod na bumagsak sa tubig si Fabriga samantalang si Pahoyo naman ay una ang paa na bumagsak sa tubig.

Sa kasalukuyan, umaani na ng mahigit sa isang milyong views ang ‘sablay’ na dive ng dalawa sa social media .

‘Anong Nangyari?’

Pagpapaliwanagin ng Philippine Sports Commission (PSC) ang  pamunuan ng Philippine Swimming  Inc.  dahil sa palpak na performance ng tinataguriang ‘splash brothers’ na sina John David Pahoyo at John Elmerson Fabriga.

Ayon kay PSC Commissioner Richie Garcia, nais niyang malaman kung ano ang nangyari sa performance ng dalawa.

Napanoond niya aniya ang training ng dalawang diver at nakita na mahusay naman ang mga ito.

‘Salamat’

Samantala, dumipensa naman si Pahoyo  sa palpak niyang performance sa Springboard event.

Giit ni Pahoyo sa isang Facebook post, hindi madali ang ngumiti matapos mapahiya sa harap ng libu-libong katao.

Pinasalamatan rin ni Pahoyo ang lahat ng mga sumusuporta sa kanya at sa lahat ng mga Pilipinong manlalaro na lumalahok sa SEAGames. / Jay Dones

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.