Presidente ng USTAAI, nagbitiw sa gitna ng Mocha Uson award-giving controversy

By Jay Dones January 23, 2018 - 11:05 PM

 

The Varsitarian

Nagbitiw na sa puwesto ang presidente ng University of Santo Tomas Alumni Association Inc., (USTAAI) sa gitna ng kontrobersiyang sumiklab nang kanilang gawaran ng government service award si Presidential Communications Operations Office Assistant Sec. Mocha Uson.

Sa kanyang liham, kinumpirma ni USTAAI president Henry Tenedero ang kanyang pagbibitiw sa puwesto kasabay ng pag-ako ng responsibilidad sa mga pangyayari.

Twitter/@USTAAi

Humihingi rin ng paumanhin si Tenedero at ang samahan sa administrasyon ng unibersidad at sa kanilang Father Rector, mga estudyante at sa publiko dahil sa idinulot na kontrobersiya ng isyu.

Gayunman, iginiit ng USTAAI na hindi nila babawiin ang Thomasian Alumni in Government Service Award na kanilang iginawad na kay Uson.

Matatandaang umani ng matinding batikos mula sa publiko at sa mga estudyante ng UST at isa iba’t-ibang sektor ng lipunan ang pagbibigay ng pagkilala ng Alumni Association kay Uson noong January 21.

Una na ring naghain ng kanyang resignation si Office of the Alumni Relations Director Cherry Tanodra.

Gayunman, nilinaw ng grupo na walang kinalaman si Tanodra sa ibinigay na pagkilala kay Uson.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.