Deployment ban ng Pilipinas sa Kuwait, pinababawi

By Rohanisa Abbas January 23, 2018 - 08:00 PM

Inquirer file photo

Ipinatawag ng Kuwaiti Foreign Affairs Ministry ang Philippine Ambassador to Kuwait kaugnay ng pansamantalang pagpapatigil sa pagpapadala ng Overseas Filipino Workers (OFWs).

Sa kanyang pakikipagkita kay Ambassador Renato Pedro Villa Jr., hiniling ni Sami Abdulaziz Al Hamad, Assistant Foreign Minister for Consulate Affairs Ambassador, na bawiin ng Pilipinas ang suspensyon.

Tiniyak naman ni Villa kay Al Hamad na ang suspensyon ay para lamang sa mga baguhang OFWs at hindi nito sakop ang OFWs na nagbabakasyon o mayroon nang kontrata.

Inilabas ng Department of Labor and Employment ang Administrative Order No. 25 noong January 19 na nagsusupinde sa pagproseso ng Overseas Employment Certificates para sa deployment ng OFWs sa Kuwait. Ito ay makaraang ipahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkabahala sa mga insidente ng pagkamatay ng ilang OFWs sa naturang bansa.

Sa isang panayam ng Al Khaleej Online, sinabi ni Kuwait Deputy Foreign Minister Khalid Al-Jarallah na ligtas ang Kuwait para sa mga manggagawa.

 

TAGS: Kuwait deployment ban, Kuwait deployment ban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.