Pasok sa mga apektadong siyudad sa Albay, balik na ulit bukas

Kuha ni Mark Makalalad

 

 

 

 

Binawi na ng Provincial Government ng Albay ang work at class suspension sa mga apektadong siyudad at bayan dulot ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.

Alas-5:00 ngayong hapon ipinalabas ni Albay Governor Al Francis Bichara ang kautusan na nagli-lift ng work at clas suspension sa mga sumusunod na barangay:

Legazpi
Daraga
Camalig
Guinobatan
Ligao
Oas
Polangui

Ibig simula bukas ay maari ng magklase ang mga mag-aaral doon.

Samantala, sa kabila ng kautusan, binigyan naman ng kapangyarihan ng Albay Government ang nga local chief executives na magkansela ng klase sa kanilang mga nasasakupan kung kinakailangan.

Read more...