Napoles, pinagsusumite ng Malacanang ng sworn-statement kaugnay ng umano’y campaign fund na ibinigay niya kay Sen. Drilon
Hinimok ng Palasyo ng Malakanyang si Pork Barrel Scam Queen Janet Lim-Napoles na maglabas ng sinumpaang salaysay na binigyan niya ng 5-million pesos na campaign fund si Senator Franklin Drilon.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, maituturing lamang na chismis ang pahayag ni Napoles hanggat walang ginagawang sinumpaang salaysay.
Sinabi din naman ni Panelo na kapag walang sworn statement si Napoles ay maaari siyang idemenda ni Senador Drilon.
Matatandaan na sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na kailangang imbestigahan ang lahat ng mga sangkot sa pork barrel scam para mapanagot ang lahat ng mga mapatutunayang may sala.
Kasabay nito, sinabi ni Panelo na walang kinalaman ang Palasyo sa mga isiniwalat ni Napoles.
Iginiit ni Panelo na isa sa pangunahing polisiya ng Duterte administration ay huwag manghimasok sa mga trabahong hindi naman sakop ng ehekutibo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.