Mga personalidad na sangkot sa Pork Barrel Scam, dapat parusahan – Malacañang

Inquirer file photo

Hindi dapat limitahan ng Department of Justice at Office of the Ombudsman ang kanilang imbestigasyon sa kontrobersyal na Pork Barrel Scam na pinamunuan ni Janet Lim-Napoles.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi lamang si Senator Franklin Drilon at iba pang miyembro ng Liberal Party ang dapat imbestigahan kundi lahat ng personalidad na sangkot sa kontrobersya.

Ayon kay Roque, dapat papanagutin sa batas ang mga pulitikong nagkamal ng pera ng bayan, kaalyado man o hindi ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Iginiit pa ni Roque na walang ibang hinangad ang kasalukuyang administrasyon kundi mahanap ang katotohanan sa Pork Barrel Scam.

Una rito, sinabi ni Napoles na binigyan niya ng limang milyung pisong campaign fund si Drilon.

Ayon kay Roque, tiyak na may physical evidence si Napoles para patunayan ang kanyang alegasyon na binigyan niya ng 5-million pesos si Drilon.

Read more...