BBL suportado ng DBM, pero kailangang budget, pag-aaralan pa

Inquirer file photo

Aminado si Department of Budget and Management Secretary Benjamin Diokno na nasa proseso pa lamang sila ng expenditure plans sa pondo na gagastusin sa Bangsamoro Basic Law.

Ayon kay Diokno, na isa sa mga resource person na naimbitahan ng Senate Sub-committee on Local Government at Commission on Constitutional Amendments, bagaman suportado nila ang BBL, sa ngayon ay hindi pa nila matukoy kung magkano ang eksaktong halaga na magagastos ng pamahalaan para dito.

Paliwanag ni Diokno nakadepende ang kailangang pondo sa laki ng lugar o bayan na masasakop ng BBL.

Sa ngayon ay binabalangkas pa nila ang proseso sa gagastusin at kung saan kukunin ang pondo para sa Bangsamoro Basic Law.

Read more...