2 sundalo patay, 6 sugatan sa bakbakan kontra-MILF sa Maguindanao

By Rohanisa Abbas January 23, 2018 - 06:00 PM

Patay ang dalawa katao, habang sugatan ang anim na iba pa sa sagupaan ng 118th at 105th base command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.

Ang dalawang nasawi at dalawang sugatan ay mula sa panig ng 118th base command, habang ang apat na iba pang sugatan ay myembro ng 105th base command.

Unang sumiklab ang gulo sa pagitan ng dalawang grupo ng MILF noong Sabado ng gabi, at nagpapatuloy ngayon.

Ayon kay Butch Malang, chairman ng MILF-Coordinating Committee on Cessation of Hostilities, nag bakbakan ay hindi sa pagitan ng dalwang base command, kundi sa pagitan ng mga pamilya na miyembro ng mga ito.

Bumuo na ng pwersa ang MILF para maibsan ang tensyon.

Sinabi naman ng militar na hindi sila mangingialam sa gulo pero tiniyak na pinangangalagaan nito ang kaligtasan ng mga residente.

Aabot sa 2,551 pamilya ang apektado ng bakbakan.

Lumikas naman ang mga residente sa mga paaralan at bahay ng kanilang mga kanag-anak.

TAGS: 2 dead in encounter in Datu Saudi, maguindanao, 2 dead in encounter in Datu Saudi, maguindanao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.