Biyahe ng MRT, nagka-aberya; 500 pasahero ang pinababa

By Dona Dominguez-Cargullo January 23, 2018 - 12:57 PM

Muling nagka-aberya ang biyahe ng Metro Rail Transit-3 at daan-daang pasahero ang naapektuhan.

Ayon sa MRT, pinababa ang nasa 500 pasahero sa Santolan-Annapolis station northbound alas 11:53 ng umaga ng Martes.

Ito ay makaraang makaranas ng “braking system error” ang isang tren.

Nakasaad sa pahayag ng MRT na “defective electrical and braking sub-components” ang dahilan ng aberya.

Para matiya ang kaligtasan ng mga pasahero, pinababa na lamang sila at dinala sa depot ang nasirang tren.

Makalipas ang apat na minuto, napasakay naman sa kasunod na tren ang mga naapektuhang pasahero.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: dotr, MRT, technical problem, train sytem, transportation, dotr, MRT, technical problem, train sytem, transportation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.