Mga opisyal ng UST alumni association nagpatawag ng emergency meeting
Nagpatawag ng emergency meeting para sa mga sa mga opisyal ng University of Santo Tomas (UST) Alumni Association Inc. (AAI).
Kinumpirma sa INQUIRER.net ni Henry Tenedero, presidente ng AAI na magsasagawa sila ng emergency meeting Martes ng gabi upang talakayin ang mga naganap sa katatapos na Grand Alumni Homecoming.
Hindi naman na binanggit ni Tenedero kung magiging sentro ba ng pagpupulong ang usapin ng paggawad ng gocernment service award kay Assistant Sec. Mocha Uson na nauwi sa kontrobersiya.
Ani Tenedero, maraming isyu at ‘concerns’ na tatalakayin sa pulong.
Pagkatapos ng emergency meeting, sinabi ni Tenedero na maghahanda ng statement ang USTAAI.
Una nang sinabi ni Tenedero noong Lunes na tatalakayin pa ng board ang mga panawagang bawiin ang award na ibinigay kay Uson.
Ayon kay Tenedero, hindi niya ito mapagpapasiyahan ng mag-isa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.