Nagdeklara na ng work suspensyon sa mga bayan ng Camalig at Guinobatan at sa Ligao City sa lalawigan ng Albay ngayong araw, Kanuary 23, 2018.
Ito ay dahil sa matinding ash fall na nararanasan ngayon sa mga nabanggit na lugar dahil sa pagputok ng bulkang Mayon.
Ayon kay Albay Gov. Al Francis Bichara, suspendido na ang pasok sa trabaho sa gobyerno at maging sa mga pribadong kumpanya.
Hindi naman kasama sa suspensyon ang mga tauhan ng lokal na pamahalaan na may kinalaman sa peace and order, health at social services at disaster management.
Ang mga residente sa nabanggit na mga lugar at nagtatrabaho naman sa ibang bayan ay excused na rin sa trabaho ayon kay Bichara.
READ NEXT
Dahil bigong dumalo sa mga pagdinig, dating Comelec Chairman Bautista ipina-subpoena na ng Senado
MOST READ
LATEST STORIES