Dahil bigong dumalo sa mga pagdinig, dating Comelec Chairman Bautista ipina-subpoena na ng Senado
Inisyuhan na ng subpoena ng senate banks committee si dating Comelec Chairman Andres Bautista dahil sa hindi na pagsipot sa pagdinig ukol sa umano’y unexplained wealth nito.
No show na naman kasi si Bautista sa hearing ngayong araw ng senate committee on banks, financial institutions and currencies na pinumumunuan ni Senator Chiz Escudero, dahilan para ilabas ang subpoena.
Ayon kay Escudero, sa ilalim ng subpoena ay inoobliga at inuutusan si Bautista na dumalo sa pagdinig ng komite sa February 12, 2018.
Kapag hindi pa rin sumipot si Bautista ay mapipilitan ang senado na i-cite for contempt ang dating Comelec chairman at ipaaresto ito sa ilalim ng section 18 ng rules of governing inquiries in aid of legislation.
Ilang beses na anyang inimbitahan si Bautista pero lagi itong hindi dumadating at walang ibinibigay na dahilan kung bakit wala ito at ni wala itong kinatawan sa hearing.
Samantala, hiniling ng senador sa Bureau of Immigration ang lahat ng travel information ni Bautista mula August 1, 2017 hanggang ngayon.
Si Bautista ay inakusahan ng kanyang misis na si Patricia dahil sa umano’y pagkakaroon ng halos isang bilyong pisong halaga ng nakaw na yaman, bagay na ilang beses nang itinanggi ni Bautista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.