Bigong maka-testigo sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Justice Committee sa reklamong impeachment laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang kinuhang IT expert ng tanggapan ng punong mahistrado.
Sa impormasyong nakuha ng komite na pinamumunuan ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali si Helen Macasaet ay may buwanang suweldo na P250,000.
Sa pagdinig noong nakalipas na linggo nabunyag na mas malaki pa ang sweldo ni Macasaet sa punong mahistrado at iba pang justices ng Supreme Court.
Hindi rin dumaan sa tamang proseso ng hiring sa gobyerno ang pagkuha kay Macasaet at base lamang sa utos ng tanggapan ni Sereno.
Bagkus pinadaan sa alternative mode ng pagkuha ng empleyado si Macasaet dahil sa technical position ito.
Si Serero ay sumasahod ng P233,000 kada buwan.
Gayunman, hindi humarap sa kamara si Macasaet sa kabila ng imbitasyon sa kaniya ng komite.
Humarap naman sa kamara si Court of Appeals Associate Justice Remedios Salazar-Fernando kung saan tatanungin sya ng mga mambabatas kaugnay sa sinasabing utos ni Sereno sa presiding justice at associate justice ng Court of appeals na huwag sundin ang hiling ng kamara kaugnay sa isyu ng Ilocos 6.
Bukod kay Macasaet at Salazar-Fernando muling humarap sa pagdinig si Court Administrator Atty. Jose Midas Marquez at iba pang opisyal ng korte.
Wala pa namang abiso sa pagharap ng dalawang psychiatrist na sinasabing nagbigay ng bagsak na grado kay Sereno dahil sa scale na 1-5 kung saan 5 ang lowest ay 4 ang nakuha ng punong mahistrado.