2 ang patay, 4 pa ang sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa Ilagan City

By Dona Dominguez-Cargullo January 23, 2018 - 08:38 AM SHARE(S):

Patay ang dalawang katao at sugatan ang apat na iba pa makaraang magkarambola ang apat na sasakyan sa Ilagan City.

Sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan, binangga ng isang pampasaherong bus ang isang tricycle, isa pang makeshift tricycle na kung tawagin sa lungsod ay kolong-kolong at isang motorsiklo sa national highway sakop ng Barangay San Andres.

Ayon kay Iligan City police chief, Supt. Ariel Quilang, agad nasawi ang driver ng tricycle na si Nerwyn Maniel, 23 anyos at ang sakay ng kolong-kolong na si Dexter Lana, 26 anyos.

Sugatan naman sina David Lana, driver ng kolong-kolong at si Anthony Ramos na rider ng motorsiklo at dalawang hindi pa nakilalang indibidwal.

Dinala sa Faustino Dy Sr., Memorial Hospital ang mga nasugatan sa aksidente.

Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang driver ng Dalin bus.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: accident, Iligan City, multiple collision, Vehicular accident, accident, Iligan City, multiple collision, Vehicular accident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.