LOOK: Suspensyon ng klase ngayong araw, Jan. 23, dahil sa pag-aalburuto ng bulkang Mayon
Suspendido ang klase ngayong araw sa maraming lungsod at bayan sa lalawigan ng Albay at Camarines Sur dahil sap ag-aalburuto ng bulkang Mayon.
Nananatiling nasa alert level 4 ang bulkan at halos magdamag na nagbuga ng abo kaya balot ngayon ng ash fall ang mga apektadong bayan at lungsod.
Sa abiso mula sa tanggapan ni Albay Gov. Al Francis Bichara, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga sumusunod na lugar:
- Legazpi
- Daraga
- Camalig
- Guinobatan
- Ligao
- Oas
- Polangui
Ibinigay naman ni Bichara sa diskresyon ng mga alkalde ang pagdedeklara ng suspensyon ng klase sa mga sumusunod na lugar:
- Rapu-Rapu
- Manito
- Jovellar
- Pio Duran
- Tiwi
- Malilipot
- Tabaco
- Bacacay
- Libon
- Malinao
- Domingo
Sa Camarines Sur, sinabi ni Gov. Migz Villafuerte na nakararanas ng heavy ashfall 5th district ng lalawigan.
Dahil dito, walang pasok sa lahat ng antas sa sumusunod na munisipalidad sa Camarines Sur ngayong araw:
- Bula
- Bato
- Balatan
- Baao
- Buhi
- Nabua
- Iriga
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.