Mga nagsilikas sa Albay dulot ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon, pumalo na sa halos 36,000

By Mark Gene Makalalad January 23, 2018 - 06:30 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Umabot na sa halos 36,000 ang bilang nga mga nagsilikas sa Albay dulot ng patuloy na pag-aalburuto ng bulkang Mayon.

Sa pinakahuling tala ng Albay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, nasa 35, 895 na mga indibidwal na ang nasa evacuation centers mula sa iba’t ibang mga bayan.

Katumbas ito ng nasa 9, 126 na pamilya.

Pinakaraming bayan na may naitalang bakwit ang Daraga na mayroong 8,511.

Pumangalawa naman dito ang Sto. Domingo na may 7,948 na evacuees.

Ikatlo ang Camalig na may 7,631 na sinundan naman ng Guinobatan nakapagtala ng 4,639 na mga bakwit.

Ang mga evacuees mula sa bayan ng Malilipot ay umabot na sa 3,065, ang Tabaco City na nakapagrehisteo ng 2,215 at Ligao City na may 1,886 evacuees.

Patuloy naman na madaragdagan ang bilang ng evacuees ngayong araw habang itinatala pa ang bilang ng mga bakwit sa Legazpi City.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Albay, evacuees, Mt Mayon, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, Albay, evacuees, Mt Mayon, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.