Princess Eugenie of York, engaged na sa matagal na niyang kasintahan

 

Maliban sa kasalang Meghan Markle at Prince Harry na nakatakda sa May 19, isa na namang Royal wedding ang aabangan ngayong taon.

Ito’y matapos ianunsyo ng Buckingham Palace na engaged nasi Princess Eugenie of York sa kasintahan niyang London nightclub manager na si Jack Brooksbank.

Unang inilabas ang anunsyo sa pamamagitan ng social media account ng Duke of York.

Ayon pa sa nasabing anunsyo, na-engage ang dalawa sa Nicaragua nitong buwan lamang ng Enero.

Magaganap ang nasabing kasalan sa Autumn ng 2018 sa St. George’s Chapel sa Windsor, pero wala pang eksaktong petsa na ibinibigay ang Buckingham Palace.

Sa nasabing chapel rin gaganapin ang kasal ng pinsan ni Princess Eugenie na si Prince Harry kay aktres na si Meghan Markle sa May 19.

Si Princess Eugenie ay ang nakababatang anak ni Prince Andrew na Duke of York, sa kaniyang dating misis na si Sarah Ferguson, Duchess of York.

Bago ang engagement, anim na taon nang magkasintahan ang prinsesa at si Brooksbank.

Read more...