Ex-PNoy, inaming nagkamali nang sabihing kasama si Ona sa meeting sa Sanofi

By Kabie Aenlle January 23, 2018 - 02:32 AM

 

File photo

Inamin ni dating Pangulong Benigno Aquino III na nagkaroon ng isang pagkakamali sa una niyang inihayag na kasama si dating Health Sec. Enrique Ona sa pakikipagpulong sa mga opisyal ng Sanofi Pasteur sa Beijing noong November 2014.

Paliwanag ni Aquino, nang humarap siya sa pagdinig ng Senado tungkol sa Dengvaxia controversy noong nakaraang buwan, nakasaad sa ibinigay na briefer sa kaniya na present sa nasabing meeting si Ona.

Ani Aquino, kailangan niyang dumipende sa mga records na hawak nila noon at sa kasamaang palad ay minsan talaga ay may pagkakamali, tulad ng nangyari dahil ika niya, “it’s human to err.”

Banggit pa ng dating pangulo, wala si Ona sa pulong at mayroon na silang mga isyu tungkol sa kakayanan nito na manatiling Secretary of Health noong mga panahong iyon.

Katwiran pa ni Aquino, hindi naman na niya kaya pang sabihin lahat ng ginawa niya sa mismong araw na iyon sa loob ng anim na taon, pati na kung sino ang kaniyang mga nakausap, saan, anong oras at kung ano ang mga napag-usapan.

Dahil dito, kailangan aniya niya ng tulong mula sa mga records at isa sa mga naghanda nito ay nagkamali.

Gayunman, hindi na aniya ito ang mahalagang isyu ngayon kundi ang advise na ibinigay sa kanila.

Muling iginiit ni Aquino ang kaniyang posisyon na si Ona ang nagbigay ng mga updates sa kaniya tungkol sa pangontra sa dengue mula noong August 23, 2010 sa pamamagitan ng isang memo hanggang sa siya ay magbitiw sa pwesto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.