Joma Sison ‘sasampalin’ ni Duterte

 

Tiyak na makatitikim ng malutong na sampal mula kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang dating propesor na si Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison oras na mag-krus ang kanilang landas.

Sa talumpati ng pangulo sa establishment ng Tienda para sa mga Bayani sa Camp General Manuel Yan Sr., Mawab, Compostela Valley, sinabi nito na desperado na si Sison dahil wala nang ikalawang henerasyon ang komunistang grupo na mamumuno sa kanilang grupo.

“Kita ta Sison, sampalin kita. Tingnan mo. Ah walay binuang. Tamparuson gyud taka. Hambugerong yawa,” pahayag ng Pangulo sa salitang Bisaya.

Wala nang balak ngayon ang pangulo na kausapin pa si Sison para ipagpatuloy ang usaping pangkapayapaan.

Nagbabala pa ang pangulo na na magiging ‘hardliner’ siya sa rebeldeng grupo.

Ayon sa pangulo, hindi na niya aalalahanin ang human rights ng mga rebelde lalo na ang mga nakapatay sa mga sibilyan.

Read more...