Tokhang surrenderee, arestado sa Marikina

By Jong Manlapaz January 23, 2018 - 12:30 AM

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Nagpositibo ang ikinasang buy-bust operation ng Marikina Police sa isang 45-anyos na minsan nang sumuko sa Oplan Tokhang.

Ang suspek na si Teody Balag ay hindi na nakapalag pa matapos siyang damputin ng mga pulis makaraang bentahan nito ng shabu ang pulis na nagpanggap na buyer.

Ayon kay Sr. Supt Roger Quesada hepe ng Marikina Police, naaresto si Balag sa mismong bahay nito sa 74 Divinagracia Brgy Nangka.

Matagal na rin umanong isinailalim sa surveillance ang suspek, hanggang ikasa ang buybust operation laban dito ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ng Marikina Police.

Nakuha mula kay Balag ang siyam na sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P5,000, isang cal. 38 revolver at anim na bala.

Aminado naman si Balag na nagtutulak ito ng shabu, at minsan na siyang sumuko sa Oplan Tokhang at dalawang buwan din itong nagrereport sa barangay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.