Ipinapaubaya na ng Provincial Government ng Albay sa mga mayor ang pagbabalik normal ng klase sa ilang mga bayan.
Kabilang na dito ang bayan ng Rapu-Rapu, Manito, Jovellar, Pio Duran, Tiwi, Malilipot, Tabaco, Bacacay, Libon, Malinao, Sto. Domingo.
Sa kautusan na pirmado ni Albay Governon Al Francis Bichara, kanyang sinabi na binibigyan nya ng kapangyarihan ang mga local government unit head na tukuyin kung applicable ba ang sitwasyon sa kanilang nasasakupan para ipagpatuloy ang mga klase.
Samantala, nanatili namang suspendido ang mga klase sa lahat ng mga antas, pampubliko man o pribado sa mga bayan syudad ng Legazpi at bayan ng Daraga, Camalig, Guinobatan, Ligao, Oas at Polangui.
Nabatid na Lunes ng umaga nagbalik sa klase ang mga paaralan sa Albay pero agad itong binawi noong hapon makaraang magbuga ng ash column ang bulkan dahilan para itaas ang status nito sa alert level 4.