2 Iloilo mayors na nanumpa bilang PDP members dating nasa narcolist

By Chona Yu January 22, 2018 - 07:48 PM

Inquirer file photo

Nilinaw ng Malacañang na cleared na o napatunayan na walang kinalaman sa ilegal na droga ang dalawang mayor sa lalawigan ng Iloilo na tumalon ng bakod kamakailan at nanumpa bilang bagong mga miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na kinabibilangan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nalinis na ang pangalan nina Iloilo Mayors Mariano Malones at Alex Centena na una nang isinama ni Pangulong Duterte sa kanyang narco list o mga pulitikong sangkot sa iligal na droga.

Iginiit pa ni Roque na hindi hahayaan ng administration party na PDP-Laban na makasama sa partido ang mga drug lords.

Sinabi pa ni Roque na ang mga pulis na nagsagawa ng validation ang nagbigay ng pahayag na hindi drug lord ang dalawa tulad ng unang mga napaulat.

Tiniyak naman ng kalihim na hindi hahayaan ng administrasyon na mapasukan sila ng mga drug personalities.

TAGS: Iloilo, narcolist, PDP Laban, Roque, Iloilo, narcolist, PDP Laban, Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.