Senado tuluyan nang sinagasaan ng Kamara sa Cha-Cha

By Erwin Aguilon January 22, 2018 - 05:53 PM

Photo: Erwin Aguilon

Hindi na kailangan ng Kamara ang Senado para sa pag-amyenda ng Saligang Batas.

Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, nasa charter change mode na sila ngayon at hindi na hihintayin pa ang Senado na magpasa ng sariling bersyon ng resolusyon ukol dito.

Sinabi nito na hindi nila kailangang mag-convene o joint session kasama ang Senado para sa Cha-Cha dahil wala naman ito sa Konstitusyon.

Iginiit nito na hindi Constituent Assembly ang sistemang sinusunod ng Kamara sa pagbabago ng Saligang Batas dahil wala ito sa Konstitusyon.

Bagkus ayon kay Alvarez, ang nakasaad sa Article 17 Sec. 1 ng Saligang Batas ay “any amendment to, or revision of, this constitution may be proposed by: (1) the congress, upon a vote of three-fourths of all its members; or (2) a constitutional convention”.

Nang tanungin si Alvarez kung bakit Con-Ass ang nilalaman ng inaprubahan nilang House Concurrent Resolution Number 9 ay kanyang ipinaliwanag na ito ay pagkakamali lamang at madali namang baguhin dahil ito ay resolusyon pa lamang.

Kapag nakuha naman anya ang 3/4 na boto ng buong Kongreso ay maari nilang ituloy ang pagbabago ng Saligang Batas.

Kapag nailatag na nila ang mga pagbabago sa Saligang Batas ay magkakaroon naman ang mga ito ng konsultasyon sa iba’t-ibang panig ng bansa para sa plebesito na target nilang isagawa sa buwan ng Mayo.

TAGS: Alvarez, chacha, Congress, Senate, Alvarez, chacha, Congress, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.