Pagbawi sa award ni Mocha Uson pagpupulungan ngayon sa UST

January 22, 2018 - 03:57 PM

Inquirer file photo

Magpapatawag ng emergency meeting ang University of Santo Tomas Alumni Association Inc. (USTAAI) sa gitna ng ingay sa pagkilalang iginawad ng organisasyon kay Assistant Secretary Esther Margaux “Mocha” Uson.

Ayon kay USTAAI Head Henry Tenedero, tatalakayin muna ng kanilang officers at mga miyembro kung babawiin o hindi ang pagkilala kay Uson.

Sinabi ni Tenedero na iimbitahan din nila sa pagpupulong ang ilan sa mga umalma kaugnay nito sa social media.

Ipinaliwanag ng pangulo ng USTAAI na ibinigay nila ang Thomasian Alumni Award for Government Service kay Uson ay napagdesisyunan ng organisasyon at nakabatay sa pananaw na siya ay UST graduate.

Ayon kay Tenedero, hindi na nila gaanong pinagtuunan ng pansin ang kanyang pagkatao.

Dagdag niya, walang botohang naganap at tinukoy lamang ng komite kung sino ang mga iimbitahan.

Si Uson ang kasalukuyang tagapamuno sa social media group ng Presidential Communications Operations Office

TAGS: mocha uson, pcoo, UST Alumni Association, mocha uson, pcoo, UST Alumni Association

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.