Klase sa buong lalawigan ng Albay sinuspinde na

By Mark Makalalad January 22, 2018 - 03:32 PM

Inquirer photo

Suspendido na ang lahat ng klase sa mga paaralan sa lalawigan ng Albay.

Ito’y kasunod na rin sa pagsasailalim sa alert level 4 status ng bulkang Mayon ngayong araw January 22.

Sa anunsyo na ipinalabas ni Albay Governor Al Franchis Bichara, walang pasok ang lahat ng antas mula kinder hanggang college sa pampubliko at pribadong paaralan.

Nabatid na kababalik lamang sa normal ng klase sa Albay kaninang umaga makaraang irekomenda na sa temporary learning facilities muna magklase ang mga estudyante.

Samantala, patuloy naman na pinag-iingat ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office ng Albay ang mga residente na nasa 8-kilometer extended danger zone.

Sinabi naman ni Philvocs Director Renato Solidum na magiging regular ang pagbibigay nila ng update sa publiko kaugnay sa aktibidad ng bulkang Mayon.

TAGS: Albay, bichara, class suspension, solidum, Albay, bichara, class suspension, solidum

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.