Iringan sa Cha-Cha itinanggi ng isang kongresista

Photo: Erwin Aguilon

Mariing itinanggi ni House Committee on Constitutional Amendments Chairman Roger Mercado na may nagaganap na iringan sa pagitan ng Kamara at Senado.

Ayon kay Mercado, normal lamang na magkaroon ng iba’t ibang opinyon ang mga senador at kongresista sa pagganap ng kanilang trabaho.

Nagpapakita lamang anya ang pagkakaroon ng magkakaibang pananaw ng mga miyembro ng dalawang kapulungan at mga inimbitang resource person may kaugnayan sa pag-amyenda ng Saligang Batas na may demokrasya sa bansa.

Paliwanag pa nito, nasa iisang partido sila kasama si Senate President Koko Pimentel sa PDP-Laban kaya imposible ang pinapalutang na iringan.

Reaksyon ito ni Mercado kasunod ng pahayag ni Senator Panfilo Lacson na makakapal ang mukha ng mga kongresista kaugnay sa pagconvene bilang Constituent Assembly at sa paraan ng botohan na gagawin sa Federalism kung joint o separate vote ba ang gagawin.

Read more...