Ulat ng Vera files sa tagong yaman ng mga Duterte tsismis ayon sa Malacañang

By Chona Yu January 22, 2018 - 03:09 PM

Inquirer photo

Hindi papatulan ng Malacañang ang ulat ng Vera files na may P100 Million investment ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kwentong kutsero o tsismis lamang ang bank account ni Mayor Sara na hindi umano naideklara sa kanyang Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN).

Iginiit pa ni Roque na rehashed lang ang naturang alegasyon na una nang naging akusasyon ni Senador Antonio Trillanes noong panahon ng kampanya.

Ipinamahagi ng Vera files sa media ang nasabing ulat na ang source ng impormasyon ay si Trillanes mismo.

Hinamon pa ni Roque ang mga kritiko na na maglabas ng authenticated documents galing sa banko o Anti-Money Laundering Council (AMLC) kalakip ang sertipikasyon na magsasabing genuine o totoo ang bank statement.

Kapag may sertipikasyon na anya mula sa bangko ay saka pa lang sya magbibigay ng komento pero hangga’t tsismis aniya ang ibinabato laban sa pangulo at kay Mayor Sara ay mas mabuting huwag na itong patulan pa.

TAGS: duterte, Investment, sara, trillanes, vera file, duterte, Investment, sara, trillanes, vera file

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.