Paglilitis sa kaniyang kaso kaugnay sa pork barrel scam, pinatitigil ni dating Sen. Bong Revilla

By Chona Yu January 22, 2018 - 11:08 AM

Humihirit si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., sa Korte Suprema na ipatigil na sa Sandiganbayan ang paglilitis sa kaniyang P224 million na pork barrel scam.

Base sa apela ni Revilla sa Korte Supreme sa pamamagitan ng kanyang abogadong si dating Solicitor General Estelito Mendoza, humihirit din ito na payagan siya ng anti-graft court na makapaghain ng piyansa.

Partikular na ipinupunto ni Revilla ang naging ruling ng Sandiganbayan first division noong January 15 na hindi pinayagan ang kanilang kampo na makapaghain ng demurrer to evidence.

Ang demurrer to evidence ay isang mosyon na naglalayong ibasura ang kaso dahil sa mga mahihinang ebidensya.

Ayon kay Mendoza, malinaw na hindi binibigyan ng due process ang kanyang kliyente na isang presumed innocent dahil sa pagsopla ng anti-graft court sa kanyang hirit na demurrer to evidence.

Makailang beses nang pinabulaanan ni Revilla na tumanggap siya ng kickback na P224 million mula sa kanyang pork barrel funds dahil sa paggamit umano ng mga bogus na non-government organizations ng negosyanteng si Janet Lim Napoles.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bong Revilla, pork barrel scam, Radyo Inquirer, sandiganbayan, Supreme Court, Bong Revilla, pork barrel scam, Radyo Inquirer, sandiganbayan, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.