Aarangkada na ang “Oplan Mayon” ng Department of Health (DOH) kasabay na rin ng patuloy na pag aalburuto ng bulkan.
Kasabay nito, may listahan na rin ang DOH ng mga contingency building na maaring gamitin bilang extension ward sakaling dumagsa ang mga mangangailangan ng atensyong medikal.
Activated na rin sa buong Region 5 ang hospital alliance network sa mga pribadong ospital kasabay nang pagbabantay na rin sa posibleng outbreak ng sakit sa mga evacuation center.
Nasa code blue rin ang mga ospital sa rehiyon at nangangahulugan na 50 porsyento ng mga kawani ng ospital ay dapat naka-duty sa mga pagamutan.
Kasabay nito, nagpadala rin ang DOH ng dalawang Rapid Health Assessment Team sa Camalig, Guinobatan at Ligao City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.