Korte Suprema maaring hindi makialam sa hindi pagkakasundo ng Kongreso sa Cha Cha

By Dona Dominguez-Cargullo January 22, 2018 - 08:34 AM

Inquirer File Photo

Hindi pa rin malayong mauwi sa stalemate ang sitwasyon sa pagitan ng senado at kamara na kapwa nagmamatigas sa kani-kanilang posisyon sa panukalang pag-amyenda sa Saligang Batas.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Senate President Aquilino Pimentel III, kung tuluyang mauuwi sa stalemate ang kamara at senado sa usapin ng joint voting o separate voting ay aakyat sa Korte Suprema ang usapin.

Gayunman, dahil mga politically elected official ang sangkot, maaring hindi rin ito pakialaman ng Mataas na Hukuman.

“Let us say nagkaroon na talaga ng stalemate, free country ito, anybody can question what is happening, and the only court na pwedeng i-review ang kilos ng house of representatives at senate ay ang Supreme Court. Pero meron ding political question doctrine na ang korte minsan hindi nakikialam kapag ang judgement ay nakareserba sa mga politically elected official,” ayon kay Pimentel.

Kapwa naninindigan ang senado at kamara sa kani-kanilang posisyon hinggil sa pagboto sa kung ano ang gagamiting pamamaraan sa pag-amyenda sa Saligang Batas.

Nais ng kamara ay joint voting habang separate voting naman ang iginigiit ng senado.

Ayon kay Pimentel, isang sentence lamang sa isang probisyon ng Saligang Batas ang pinagbabatayan ng kamara sa ipinipilit na joint voting, habang ang senado ay buong Konstitusyon ang kanilang basehan.

Sinabi naman ni Pimentel na walang dapat ikabahala ang mamamayan sa isinusulong na pederalismong sistema ng gobyerno.

Aniya, ang pag-amyenda sa Saligang Batas ay bahagi ng stratehiya at paghanap ng mga paraan upang mas mapabuti ang bansa.

“Ang daming bansa na ina-amend ang kanilang Konstitusyon, kasi governance is an experiment, nag-aadjust tayo sa kung ano ang ikagaganda ng ating bansa. Kung meron kang nadiskubreng arrangement na pamamaraan na mas makakabuti sa bansa mo, bakit hindi mo gawin. Wag tayong matakot, governance strategy lang ito, ang gusto lang natin mapabilis ang pag-asenso ng bawat lugar. Kasama ang mga liblib na lugar,” dagdag pa ni Pimentel.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: charter change, House of Representatives, Koko Pimentel, Senate, stalemate, Supreme Court, charter change, House of Representatives, Koko Pimentel, Senate, stalemate, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.