6 na sundalo sugatan sa pakikipagbakbakan sa ilang miyembro ng Maute Terror Group sa Lanao del Sur

By Dona Dominguez-Cargullo January 22, 2018 - 07:54 AM

Anim na sundalo ang sugatan sa pakikipagbakan sa natitira pang mga miyembro ng ISIS inspired na Maute Terror Group sa Lanao Del Sur.

Ayon kay Army spokesman Major Ronald Suscano, naka-engkwentro ng mga tropa ng Joint Task Force Ranao ang sampung miyembro Maute na nagresulta sa pagkasugat ng anim na tropa ng pamahalaan.

Nagsimula ang engkwentro Sabado ng umaga nang rumesponde ang mga sundalo sa ulat ng ilang residente na may namataan silang armado sa lugar sa isang distrito sa Lanao del Sur.

Sinabi ni Major General Roseller G. Murillo, commander ng 1st Infantry Division ng Philippine Army, tumagal ng 35-minuto ang bakbakan.

Nakuga ng mga sundalo ang matataas na kalibre ng armas mula sa mga nagsitakas na rebelde.

Kabilang dito ang isang M-203 grenade launcher, dalawang rocket-propelled grenades (RPGs), tatlong anti-personnel 60 mm RPG ammunition, isang anti-tank RPG ammunition, tatlong 40mm ammunition, hand grenade, dalawang RPG fuse, isang binocular, isang ISIS flag, at mga drug paraphernalia.

 

 

 

 

 

TAGS: ISIS-inspired, Lanao Del Sur, Maute Terror Group, task force ranao, ISIS-inspired, Lanao Del Sur, Maute Terror Group, task force ranao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.