Mga madre at obispo ng Peru, pinuntahan ni Pope Francis bago matapos ang Latin American trip

Vatican Photo

Bago tapusin ang kaniyang Latin American trip sa pamamagitan ng pagdaraos ng isang misa, pinulong muna ni Pope Francis ang mga obispo at madre sa Peru.

Sa huling araw ng kaniyang isang linggong pagbisita sa anim na lungsod sa Chile at Peru, nagbigay ng homily si Pope Francis sa nasa 500 madre, kasama ang mga obispo ng Peru.

Nanawagan naman ang Santo Papa sa mga opisyal ng Simbahan na magkaisa at huwag maging “prisoners of divisions” na naglilimita aniya sa kanilang bokasyon.

Hinimok naman ng Santo Papa ang mga Katoliko sa Latin America na labanan ang lumalaganap na krimen laban sa mga kababaihan tulad ng panggagahasa at pagpatay.

Samantala noong Biyernes naman ay libu-libong indigenous people ang bumiyahe mula sa Peru, Brazil at Bolivia para makita ang Santo Papa sa Puerto Maldonado.

Sa unang bahagi ng kaniyang South American visit sa Chile, binigyang diin ni Pope Francis ang pagdurusa ng mga immigrants, at humingi ng paumanhin sa mga nabiktima ng sexual abuse ng mga pari ng Simbahang Katolika.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...