Imbestigasyon sa anti-dengue vaccine na Dengvaxia itutuloy ng Senado
Ipagpapatuloy ngayong araw ng senado ang pagdinig kaugnay kontrobersyal na anti-dengue vaccination program ng Department of Health (DOH).
Ang pagdinig ay pangungunahan ng tatlong komite sa senado na Blue Ribbon Committee at Committee on Health and Demography at Finance Committee.
Alas 10:00 ng umaga sisimula ang pagdinig na dadaluhan ng mga kinatawan mula sa Department of Health (DOH) at Sanofi Pasteur, ang kumpanyang nag-suplay sa bansa ng Dengvaxia vaccine.
Sa gagawing pagdinig ngayong araw, sinabi ni Senator Richard Gordon na uungkatin muli ang pag-aapura ng nagdaang administrasyong Aquino sa pagbili ng mga bakuna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.