Libona, Bukidnon, niyanig ng magnitude 3.7 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang bayan ng Libona sa lalawigan ng Bukidnon.

Naganap ang lindol alas 3:56 ng umaga ng Lunes, January 22.

Naitala ang Intensity III sa Cagayan de Oro City; gayundin sa Manolo Fortich at Baungon, Bukidnon.

Habang Intensity II ang naitala sa Sumilao at Talakag, Bukidnon.

May lalim na 3 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at tershocks ang nasabing lindol.

 

 

 

 

 

Read more...